Saturday, May 07, 2005

sana college pa ako....ang pagbabalik tanaw sa aking buhay noon...(nyeta makata na ako!)

langya pala nakakamiss maging isang estudyante....
sarap ng buhay ng papasok ka para tumambay lang sa classroom, mangbwiset, magingay, uminom, at matulog....
pag nakikita ko ung transcript ko... nabubuwiset ako... pano ba naman...2 bagsak ko... socio antro at logic... ndi naman sa tanga ako... ung sa SA nahuli akong nangongopya sa quiz akalain mong ibagsak ba naman ako pucha..... quiz lang yon!!! at yung sa logic naman... ayus binagsak kaming apat na magkakatabi sa likod.... masama bang hindi makinig??? masama bang kumain nga mani sa upuan mo??? masama bang matulog??? masama bang magkwentuhan??? masama bang ndi makinig??? masama bang walang maintindihan??? bwisit kasi ung mga katabi ko nun ehh.... adik sa need for speed at counter pati red alert....(wala pa ung generals ata nun 2002)
pero subalit datapwat ngunit.... wala naman akong bagsak na kahit isang chem na subjects.. hehehe....

pero bakit nga ba ako nag BS CHEM??? yan ang tanong sakin tuwing may makikipagpanayam sa akin pag ako ay nag-aapply sa mga kompanya....

ehh... bakit nga chem ang kinuha mo??? why did u take up bs chem of all courses??? mahirap un ah... bakit nagchem ka???

yan ang mga tanong sakin bago ako magcollege at hanggang ngayon tanong parin sakin ng mga taong wala maitanong o kaya ung tanong ng HR sa mga kompanya...

teka bakit nga ba????

ang alam ko 1st choice ko sa UST food tech... tapos nung nagexams na... ayun kailangan pala may 2nd choice... ayun nakita ko chem.... check!!!

nakita ko nalang sarili ko nakapila sa para sa interview ko sa college of science... sa una mali pa nga napilahan ko ehh... langya kala ko ang daming nagchechem ang pala... biology pala ung pila na un...

mabalik tayo sa nasimulan ko... bakit nga chem.... alam ko gusto kong maging artist lang... painter... photographer.... at kung ano ano pa... bakit chem??? cguro mukha akong pera nun... kala ko pagchem ka... astig.. konti kumukuha ng kurso na un... at makakapunta agad ako ng US para makasama ko pamilya ko... langya nagkamali ako.... kailangan pa ng experience... kaya nga nagtatrabaho ako dito sa pinas ehh.... pero bakit ndi ako lumipat ng course???? ahh alam ko na.... aabutin ko sa aking ama ay isang matinding "spinning flying kick!" hehehe....

pero masaya naman ako sa inabot ko sa college eh... lahat ng kasama ko gago din.... kaya feel at home ako agad.... kaso makalipas 2 taon nawala lahat.... kasi wala naman kahit isa samin ang gustong mag BS chem ehh.... kaya ayun.... naubos lahat ng kada ko.... hehehe.... at buti naman kung hindi... baka ndi pa ako graduate hanggang ngayon.... phD na ako pag katapos ko......( next time nalang ung iba magiinuman na kami ehh)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home